Ang Balita

Makatarungan bang ako ay sisihin,

sa kaalamang marapat lang sabihin?;

Sa pagtut’wid ng katotohanang naligaw,

at sa kaguluhan na binigyan ng linaw?;

 

Sa pagsisiwalat ng mga pilit ikinukubli,

maitago lang ang totoo nitong sarili?;

Kasalanan ba ng mga taingang makarinig,

mga matang makakita at ng bibig na makapagsalita?

 

..

 

Iyon ang aking sumbat sa taong nagmamarunong, ngunit nananahimik lamang;

Na may katalinuhang nabulag, naligaw at tuluyang nasayang.

Sila ang mga taong laging bumabasag ng aking katahimikan

“Sa kanya ko narinig, sa kanya ko nalaman!”, ito ang paulit-ulit nilang turuan

 

 

Magsitigil kayo! At akin ng inaako, ang dahilan ng

pagkalat ng higanteng kaalaman;

Sa mga nasisira, nagkakagulo, nagkaayos at nagkalinawan.

Oo, ang lahat ng iyon ay inaamin ko, ngunit ‘wag magturuan at hayaang sabihan kita,

Ako, ikaw, sila, tayong lahat ang may dulot ng naririnig at nakikita; ‘pagkat tayo ang balita.

Leave a Reply